Sa unang flag raising ceremony na kanyang pinangunahan bilang Punong-Bayan ng Abucay, binigyang parangal ni Mayor Robin Tagle ang mga natatanging Abukeño at Huwarang Kabataan na nagpamalas ng galing sa larangan ng edukasyon, palakasan, maging mga international at national awardees, kung saan ang pinakamataas na karangalan ay ang Gawad Tomas Pinpin.
Ayon kay Mayor Tagle, hindi nila nagawa ang ganitong paggagawad ng parangal sa nakaraang dlawang taon dahil sa pandemya kung kaya’t bukod sa mga plake ng karangalan ay mabibigyan din sila ng cash incentives.
Ang mga binigyan ng parangal sa larangan ng palakasan ay sina, Rhian Micaela Malicsi, na isang Bronze Medalist sa nakaraang SEA Games sa Vietnam; Nicole Zaisa Pring Gold Medalist sa Asian Ball Games; Christopher Ricaplaza, Gold Medalist sa SEA Games at coach ng ating entry sa nasabing paligsahan; swimming team ng Alamat Aquatic Club, na sina Khyle Ryzel Aruban, Raize Caragay, Arnold Jose Padre at ang kanilang Coach na si Francis Gallardo na puspusan ang pagsasanay para sa darating na International Asian Games.
Ang mga kabataang nagpamalas ng galing sa larangan ng edukasyon na tumanggap ng Gawad Huwarang Kabataan ay sina (1) Andrea Nicole Tancio, Bachelor of Science in Pharmacy, University of Sto. Tomas- Cum Laude; (2) Christel Mae Cauvalejo, Bachelor of Science in Hospitality Management major in Culinary Entrepreneurship, University of Sto Tomas-Magna Cum Laude at Patricia Clarize Y. Sanchez, Bachelor of Science in Tourism Management, St. Louis University, Baguio City- Suma Cum Laude.
Sinabi din ni Mayor Tagle na sa mga susunod na paggagawad ng parangal ay nais niyang makasama ang mga nagenegosyo.
The post Mayor Robin Tagle nagbigay Pugay sa mga Natatanging Abukeño appeared first on 1Bataan.