MBDA balak gayahin ng ibang probinsya?

Philippine Standard Time:

MBDA balak gayahin ng ibang probinsya?

Kamakailan ay isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng lalawigan ng Bataan na kumatawan sa Metro-Bataan Development Authority (MBDA) at land Transportation Office (LTO).

Dumalo sa nasabing gawain ang mga opisyal ng LTO maging mga panauhin na galing pa sa ibang lugar tulad ni LTO Regional Director Col Elmer Decena ng Region VIII, Mayor Cesar Areza ng Pagsanjan, Laguna na ayon sa LTO Region 3 ay narito para obserbahan ang MBDA at kung papaano nila magagawa ang ganito sa kanilang bayan.

Mataman din umano nilang pinag aaralan ang nilalaman ng MOA ng probinsya at ng LTO, dahil ayon sa kanila, “the MOA between the two parties mark not just a milestone decision but also a leap forward in the quest to enhance traffic management and public safety, na problema ng lahat ng progresibong lalawigan tulad ng Bataan.

Pinuri naman ng mga opisyal ng LTO si Gov Joet Garcia sa mahusay na pamamahala at pagkakaroon ng MBDA sa lalawigan na makakasangga ng LTO sa paghuli ng mga violators sa kahabaan ng Roman Superhighway, na isa umanong napakalaking hakbang sa pagpapabuti ng sistema at disiplina sa daan na adbokasiya ni Gov. Joet Garcia.

Sinabi pa ng LTO na with these partnership, LGU enforcers ( MBDA) will now have the capability to tag and align with LTO’s system ensuring traffic apprehensions and manage efficiently and effectively, na makasisiguro ang lahat ng lumalabag sa batas-trapiko ng maayos na madudukomento at matutugunan.

The post MBDA balak gayahin ng ibang probinsya? appeared first on 1Bataan.

Previous House okays creation of Manila Bay Council

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.