Sa ginanap na pagdinig sa Senado, nagpakita ng buong suporta sa MBDA Bill ni Cong Abet ang mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna ng ni Gila Garcia, Kinatawan ng Ikatlong Distrito, Pusong Pinoy Partist Jett Nisay, Orion Mayor Tonypep Raymundo, Mariveles Mayor AJ Concepcion, Balanga City Mayor Francis Garcia, Hermosa Mayor Jopet Inton, Limay Vice Mayor Ritchie David, MBDA Gen. Manager Bong Pizarro, DILG Provincial Director Belina T. Hermena at Bataan PNP Provincial Director Palmer Tria.
Ang konsolidasyon ng MBDA Bill ay batay sa Senate Bill No. 2106, Senate Bill No. 2373 at ang kanyang House Bill No. 7252. Napakalaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng MBDA, mula sa pagsasaayos ng trapiko, road safety, pagresponde sa mga aksidente at kritikal na pangyayari, pagpapatrolya sa kahabaan ng Roman Superhighway, na sa ngayon ay nagpawala ng agam agam sa lahat ng mga motorista hinggil sa mga masasamang loob na nais o nagtatangkang gumawa ng masama.
The post MBDA Bill ni Cong Abet, suportado ng mga opisyal ng lalawigan appeared first on 1Bataan.