Pormal nang binuksan kahapon, ika-15 ng Disyembre ang Hermosa Branch ng McDonald’s sa Roman Highway, Brgy. Culis, Hermosa, Bataan.
Isinagawa ito sa pangunguna ni Hermosa Mayor Jopet Inton, Bataan Vice Governor Cris Garcia, Punong Barangay Roger Manarang ng Barangay Culis, OIC Kap. Bendoy Mangiliman, Konsehala Luz Jorge Samaniego, SK Bea Lim at Mayora Anne Inton.
Ayon kay Mayor Inton, kasama rin nila sa pormal na pagbubukas ng McDonald’s ang mga may-ari nito na sina “Sir Paul and Ma’am Lara,” members ng management at mga staff and crew.
“Nakakatuwang malaman na ang McDonald’s natin ay solar-powered, with dual lane drive-thru (5th in the Philippines), unique ang design at meron pang vertical garden na naaayon sa kanilang programang Green and Grow!,” pahayag ni Mayor Inton sa kanyang Facebook Page.
Ang McDonald’s ay isang American fast food company, na itinatag noong 1940 bilang isang restaurant na pinamamahalaan nina Richard at Maurice McDonald, sa San Bernardino, California, United States.
Sinimulan nila ang kanilang negosyo bilang isang hamburger stand, at kalaunan ay ginawang franchise ang kumpanya, kasama ang logo ng Golden Arches na ipinakilala noong 1953 sa isang lokasyon sa Phoenix, Arizona.
Noong 1955, si Ray Kroc, isang negosyante, ay sumali sa kumpanya bilang ahente ng prangkisa at nagpatuloy sa pagbili ng fastfood chain mula sa magkapatid na McDonald.
Ang dating punong tanggapan ng McDonald’s ay sa Oak Brook, Illinois, ngunit inilipat ang pandaigdigang punong-tanggapan nito sa Chicago noong Hunyo 2018.
The post McDonald’s Hermosa, bukas na! appeared first on 1Bataan.