Humigit-kumulang sa isanlibong Bataeño ang kumunsulta sa mga volunteer doctors sa isinagawang dalawang araw na medical mission sa dalawang bayan sa unang distrito ng Bataan nitong buwan ng Setyembre.
“Nagkaroon po ang inyong lingkod at ang aking kapatid na si Board Member Atty. Tony Roman ng medical mission…para sa mga kababayan natin sa mga bayan ng Orani at Hermosa,” ulat ni Congresswoman Geraldine Roman ng Unang Distrito ng Bataan sa kanyang official Facebook Page.
Nagpasalamat si Rep. Roman kay Hermosa Mayor Jopet Inton sa aniya ay “masarap na lunch para sa ating staff at venue sa Hermosa” at kay Mayor Efren “Bondjong” Pascual sa pagpapahiram ng venue sa Orani.
Nagpasalamat din ang third-termer Congresswoman kay Hermosa Councilor Boyet Yandoc, volunteer doctors at nurses, mga marshalls at MDRRMO officers ng Hermosa at Orani na naging katuwang sa paghahatid ng #SerbisyongMayPuso sa mga bayan ng Hermosa at Orani.
Nasa 18 volunteer doctors at 22 nurses ang nakiisa para maisakatuparan ang naturang medical mission.
The post Medical mission ni Rep. Roman sa Orani at Hermosa appeared first on 1Bataan.