Mensahe ni Cong. Gila Garcia, sumentro sa good governance

Philippine Standard Time:

Mensahe ni Cong. Gila Garcia, sumentro sa good governance

Binigyang-diin ni Congresswoman Gila Garcia ang good governance o mahusay na pamamahala sa barangay sa kanyang mensahe nitong nakaraang mass oathtaking ng mga opisyal ng barangay nang nakaraang linggo sa Bataan People’s Center.

Ayon sa kanya, ang good governance na base sa Performance Governance System (PGS) ay may dalawang sangkap, ang integrity at competency, kung saan, makikita ang integridad sa mga desisyong gagawin ng mga opisyal, kung ito ba ay pinag-aralang mabuti para sa kapakanan at kapakinabangan ng buong barangay.

Sinabi pa ni Cong Gila na ang competency ay ipinakikita hindi sa liit o laki ng barangay, hindi sa haba o ikli ng termino na tulad ngayon na dalawang taon lamang, maging sa pondo ng barangay, kundi sa tamang pamamahala para maiangat ang barangay, kung nasaan ito ngayon at saan nila ito gustong dalhin.

Ayon naman kay Cong. Geraldine Roman ng Unang Distrito, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga opisyal ng barangay kung kaya’t isinusulong niya kasama ang tatlo pang kinatawan ng lalawigan, ang Magna Carta for Barangay Officials, na ang layunin ay mabigyan ng security of tenure ang ating mga opisyal sa barangay, karampatang pagkilala sa pagbibigay ng pension sa lahat ng barangay workers.

Ayon naman kay Pusong Pinoy Partylist Representative Jette Nisay, pinakamahirap na trabaho ang maging opisyal ng barangay na kanyang nang naranasan bago maging kinatawan, dahil “ang trabahong ito ay 24/7, walang pinipiling oras, na kapag nagpunta sa atin ang ating kabarangay, kinakailangang bigyan natin ng solusyon ang kanilang problema”. Kung kaya’t, kailangan ang pagtutulungan at pagkakaisa para makasabay sa mga plano ng bayan at programa ng lalawigan.

The post Mensahe ni Cong. Gila Garcia, sumentro sa good governance appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan receives FOI Award

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.