Nagkakaisa ang PNP at COMELEC sa pagsasabing sa ngayon ay wala umanong hot spot o area of concern sa lalawigan ng Bataan sa darating na BSK election.
Sinabi ni Bataan PNP Provincial Director P/Col Palmer Tria na ang kapulisan ay kaisa at nakasuporta sa COMELEC para sa isang mapayapang eleksyon. Sinimulan nila ito, sa “Oplan Katok” para paalalahanan ang lahat ng nagma may-ari ng mga baril lalo na yong expired na ang permit na isurender na ito sa kapulisan. Subali’t ang nakatutuwa ayon pa kay PCol Tria, na mismong mga kandidato pa ang naglagak ng kanilang mga armas sa kanilang mga stasyon para ipakita ang layunin nila ng isang maayos at mapayapang eleksyon. Ang mga nasabing mga armas ay inexhibit ng PNP sa gawing kanan ng People’s Center sa araw ng Peace Covenant para makita nang lahat.
The post Mga armas isinuko para sa mapayapang eleksyon appeared first on 1Bataan.