Para makapagbigay ng mas malawak na serbisyo sa kanilang mga ka-barangay ay minabuti ng mga opisyal ng Brgy. East Daang Bago, sa pamumuno ni Punong Barangay Federico Mena na hilingin sa yunit pamahalaang lokal ng Samal na magamit nila ang lupa na pag aari ng munisipyo sa pagtatayo ng isang bagong barangay hall, multi-purpose covered court at Material Recovery Facility (MRF).
Hindi nagdalawang isip ang mga bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jun Espino na pagbigyan ang kahilingan sa pagpasa sa Resolution no. 21-114 series of 2021 na kaagad namang inaprobahan ni Mayor Aida Macalinao. At upang maging mas malinaw ang karapatan ng magkabilang panig ay nagkaroon sila ng USUFRUCT Agreement kung saan, pinapayagan ng Samal LGU na magamit ng barangay ang lupang pag-aari ng munisipyo para sa pagtatayo ng iba’t ibang pasilidad, sa loob ng 15 taon simula sa taong 2021 hanggang 2036.
The post Mga bagong pasilidad, itatayo sa Brgy. East Daang Bago appeared first on 1Bataan.