Matapos ang masusing deliberasyon ng Regional Awards Committee, buong pagmamalaking inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bataan na tatlong barangay sa Lalawigan ng Bataan ang itinanghal na mga Regional Winners para sa 2024 Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA).
Ang mga nagwagi para 1st to 3rd Class City Category ay ang Barangay Cupang Proper, Balanga City; sa 1st to 3rd Class Municipal Category ay nakamit ng Barangay Mulawin, Orani na may 100% marka; at para sa 4th to 6th Class Municipal Category ay nasungkit naman ng Barangay Sta. Lucia, Samal.
Lubos na binabati ng DILG Bataan ang lahat ng mga nagwagi. Partikular na pagkilala rin ang ibinibigay sa mga tanggapan ng DILG Regional, Provincial, at Field Offices ng Balanga City, Orani, at Samal para sa kanilang patuloy na suporta at paggabay na nag-ambag sa kahusayan ng mga natatanging lupon na ito.
Ang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) ay isang taunang pagkilala na layuning itampok ang mga barangay na may natatanging pagganap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan. Ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon at sipag ng mga barangay sa Bataan upang masiguro ang maayos na pamayanan para sa kanilang mga residente.
The post Mga barangay sa Bataan, wagi sa Regional 2024 LTIA appeared first on 1Bataan.