Inulit sa bayan ng Pilar nitong nakaraang Sabado ng gabi ang pinag-usapang napakagandang parade of lights ng mga batang mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Pilar na unang nakita sa kanilang nakaraang Christmas lighting ceremony.
Ayon kay Mayor Charlie Pizzaro inulit ito upang bigyang kasiyahan ang mga batang inimbita nila mula sa King’s Garden , isang bahay ampunan sa bayan ng Orion. Mahigit 30 bata ang kinukupkop doon dahil walang maituturing na pamilya, walang nais mag-alaga, at mga batang halos nakatira na kalye.
Sinabi pa ni Mayor Charlie na ang Pasko naman daw ay para sa mga bata at sa tema ng kanilang Christmas decorations and lighting na Disneyland ay nais niyang maging masaya ang mga batang ito, madama na maraming nagmamahal sa kanila, na minsan sa kanilang buhay, ay naging masaya sila sa panonood ng parade of lights at tila napunta sila sa Disneyland. Habang nanonood sila ay binigyan ng Jollibee food packs care of Mayor Charlie Pizarro. Halos nadoble pa ang bilang ng mga nanood hindi lamang mula sa bayan ng Pilar kundi maging mga taga- ibang bayan.
The post Mga bata sa bahay ampunan, pinasaya ni Mayor Charlie appeared first on 1Bataan.