Ito umano ang nais ni Mayor Liberato Santiago, para sa mga mag aaral sa 10 pampublikong paaralan sa bayan. ng Abucay
Sinabi ni Municipal Administrator, Engr Estoy Vergara, base umano sa direktiba ni Mayor Santiago, sa pagsisimula ng face-to-face classes, doon na mismo sa paaralan bakunahan ang mga bata nang maging maayos at panatag ang mga ito na mabakunahan sa magandang paghihikayat ng kanilang mga guro
Ibinalita rin ni Engr. Vergara na aprobado na umano sa mga magulang ang pagbabalik sa face to face classes, para daw higit na matutunan ng mga bata ang kanilang mga leksyon.
Samantala, pinaghahanda na rin ni Mayor Santiago ang mga administrators at clinical personnel gayundin ang mga kakailanganin ng mga bata, para sa face to face classes tulad enclosed tent sa bawat paaralan para daw in case na may mag-positibo ay agad itong ma-isolate, mga thermal scanners, PPE’s, gayundin ang bagong rescue van na binili para pag kailangang I-transfer ang bata o kung may emergency.
The post Mga batang edad 5-11, sa paaralan babakunahan appeared first on 1Bataan.