Mga empleyado ng PGB Sumailalim sa Value Re-Orientaion Session

Philippine Standard Time:

Mga empleyado ng PGB Sumailalim sa Value Re-Orientaion Session

Noong ika-2 ng Oktubre, sumailalim sa buong araw na sesyon hinggil sa Performance Governance System, Cascading and Value Re-orientation sa Bataan People’s Center ang mga empleyado, department heads at opisyal ng Pamahalaang Lalawigan ng Bataan.

Pinangunahan ito ni Gov. Enrique “Joet” Garcia, na nagsabing, ” Governance is a shared responsibility, na hindi ito kakayanin ng isang tao at kinakailangan ang tulong ng bawat isa”. Pinasalamatan niya ang suporta at bahagi ng bawat isa sa tagumpay ng lalawigan ng Bataan. Sa pagkakataon ding ito ay ibinalita ni Gov. Joet ang mahahalaga at malalaking proyekto ng lalawigan tulad ng 18 AFAB Expansion areas, 1Bataan Housing Village, Healthy School Setting, Philhealth PCPN Sandbox, Bataan-Cavite Interlink Bridge, Proposed Manila Integrated Development Plan na may kinalaman sa flood control, coastal defense and expressway project na nagbigay inspirasyon sa lahat ng manggagawa ng Pamahalaan.

Ipinaliwanag naman ni HRMO Dept. Head Luz Enriquez ang mga polisiya ng gobyerno sa tamang pagsusumite ng PDS, DTR, leave of absence at iba pang mahahalagang legal na dokumento.

Naging panauhing tagapag salita si Board Member Harold Espeleta na tumalakay sa kahalagahan ng Culture of Excellence na naglalayon ng mahusay na performance and growth, magandang kaisipan para sa mga empleyado sa pagganap sa kanilang tungkulin, isang marangal na empleyado na may magandang pakikitungo sa mga mamamayang humihingi ng tulong sa kanila, ang bahagi ng bawat isa na nakapaloob sa acronymn na H.E.L.P., H for humility, E for emphaty, L for Love at P for prayers.

Naging masigla at aktibo naman ang mga empleyado sa pagbabahagi ng mga challenges na nakaharap nila sa pagganap sa kanilang tungkulin at kung paano nila ito napagtagumpayan.

Bilang insentibo at pagpapasaya sa mga empleyado, nagpa-raffle si Gov Joet ng anim (6) na cellphone at iba pang raffle prizes.

The post Mga empleyado ng PGB Sumailalim sa Value Re-Orientaion Session appeared first on 1Bataan.

Previous COB holds Education Summit 2024

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.