Mga kababaihan umaksyon

Philippine Standard Time:

Mga kababaihan umaksyon

Sa pagnanais ng mga residente ng Brgy. Sumalo na makasabay sa ninanais ni Mayor Jopet Inton na industriyalisasyon sa bayan ng Hermosa, umaksyon ang mga kababaihang kaanib ng Kabisigka (Kababaihang Bisig ng Kaunlaran) na sinuportahan ng grupo ng kalalakihan o Utol Kapatiran ng Sumalo na maghain sa Department of Agrarian Reform (DAR) na, mapawalang-bisa ang masterlist ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) dahil ito umano ay puno ng iregularidad na humahadlang na matuloy na ang nais ng Litton Estate na kaunlaran sa kanilang barangay.

Ayon sa pangulo ng mga kababaihan na si Alona Apable, nais na nilang wakasan ang mahabang panahon ng pagkaantala ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang barangay.

Ayon pa sa mga kababaihan, halos 20% ng mga nakalista sa masterlist ng ARB ay hindi nagsasaka ng lupa at hindi mga taga-Sumalo.

Samantala sinabi naman ni Rebel Camiling, namumuno sa grupo ng Utol (kapatiran) ng Sumalo, na nakiisa sila sa mga kababaihan para ipakita rin ang suporta ng mayorya ng mga residente para ihayag na tutol sila sa masterlist ng ARB at ang nais nila ay muling buksan ang proseso nang tama at makatarungang pagpili ng DAR ng mga benepisyaryo.

The post Mga kababaihan umaksyon appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan IP produce market at the Bunker

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.