Dahil sa magandang adhikain ng proyektong LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI ng DSWD Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) ay isinama sila ni Cong. Gila Garcia ng ikatlong distrito ng Bataan sa mga benepisyaryo na tumanggap ng P9,200.00 bawat isa nitong ika-30 ng Hulyo, sa Bagac.
Ang 424 na benepisyaryo ay nagtrabaho ng 20 araw kung saan ay nagtanim sila ng mga gulay, mga punong namumunga at gumawa rin ng lawa o reservoir sa kanilang komunidad bilang paghahanda umano sa pagbabago ng klima, epekto ng seguridad sa pagkain at kakulangan sa tubig dulot ng El Niño.
Tunay na humanga si Vice Mayor Ron Del Rosario sa grupo na sana raw ay gayahin ng mga kabataan. Ang pay out ay pinamahalaan ni G. Rollie Rojas, chief of staff ni Cong. Gila na nasa Leyte ng araw na yun at mga staff ng DSWD sa pangunguna ni Ma. Dolores Yambing.
The post Mga kasapi ng LAWA at BINHI, tumanggap ng cash assistance appeared first on 1Bataan.