Nakiisa ang mga lokal na opisyal ng Bataan sa paggunita sa ika-124 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Sa The Bunker at the Capitol ay nanguna si Bataan Governor Abet Garcia, Vice Govenor Cris Garcia, mga Bokal at mga opisyal at kawani ng Kapitolyo sa Independence Day celebration.
Sa mensahe ni Gov. Garcia ay binigyang pugay niya ang mga beterano na nagtanggol sa bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig pati na ang mga frontliners na aniya ay patuloy na nakikipaglaban sa kasalukuyang pandemyang dulot ng Covid-19.
Sa Facebook Page post naman ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman ay ipinanawagan niya ang âsama samang paglikha ng isang mas ligtas at mas mahusay na Pilipinas na Malaya mula sa Covid-19 pandemic, kahirapan at pang-aabuso.â
Sa Bayan ng Hermosa ay nagpasalamat naman si Hermosa Mayor Jopet Inton sa pagtutulungan ng kanyang mga kababayan sa pangunguna ng aniya ay mga bagong bayani sa kasalukuyan, ang mga frontliners sa patuloy na pakikipaglaban sa nararanasang pandemya ng buong mundo.
Sa Bayan ng Dinalupihan ay ipinagmalaki naman ni Mayor-elect Herman âTongâ Santos ang pagiging isang Dinalupihenyo sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan. Aniya, ânapakasarap din maging Dinalupiheño, ang Bayang Di Nalupig, dahil tayo ay kilala sa ating tapang at pagmamahal sa bayan. Nawaây ating ipagpatuloy ang ating tibay, lakas at pagkakaisa para sa malaya at maunlad na kinabukasan.â
Sa Bayan ng Limay ay nanguna ang mag-amang sina reelected Mayor Nelson David at Vice Mayor Richie David sa formal rites ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Municipal Quadrangle.
Sa Bayan ng Mariveles ay ito naman ang naging mensahe ni Mayor-elect, Atty. Ace Jello Concepcion sa kanyang FB Page: âPatuloy nating ingatan at bantayan ang kalayaang tinatamasa ng ating bansa. At sa bawat hamong ating sinusuong at susuungin, piliin nating mahalin ang Pilipinas. Kaysarap mabuhay sa isang malaya at nagkakaisang Pilipinas! Kaysarap mong mahalin, bayan ko!â
âMakabuluhang Araw ng Kalayaan sa ating lahat! Isang daan at dalawampuât apat na taon ng kasarinlan. Pagpupugay sa bawat Pilipino, sa katatagan ng loob at pagpupunyagi maging sa gitna ng pandemya,â ito naman ang naging pagbati ni Samal Mayor Aida Macalinao.
At panghuli, ito naman ang naging mensahe ni incoming Bataan Governor at 2nd-termer Rep. of the Bataanâs 2nd Congressional District, Joet Garcia: âSa ika-124 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, patunay na ang nagkakaisang bansa at kabayanihan ng bawat Pilipino ay nagbubunga ng isang ligtas, payapa, at progresibong pamayanan.
Sama-sama nating isapuso ang aral ng nakaraan at labanan ang bawat hamon para sa magandang kinabukasan.â
The post Mga lokal na opisyal nakiisa sa Ika-124 na anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan appeared first on 1Bataan.