Mga magulang at guro. itinalagang eco-warriors

Philippine Standard Time:

Mga magulang at guro. itinalagang eco-warriors

Sa paglulunsad ni Congresswoman Gila Garcia ng proyektong “Trash to Cashback” nitong nakaraang Biyernes sa mga bayan ng Dinalupihan at Mariveles, sinabi niyang mahalaga ang partisipasyon ng mga magulang at guro na itinaon niya sa paglulunsad ng Brigada Eskwela 2023.

Sa ikapagtatagumpay ng proyekto, itinalaga niya ang mga magulang at bilang mga eco-warriors. Paliwanag pa ni Cong Gila, ang proyektong trash to cashback ay pagtutulungan ng mga estudyante, mga guro at mga magulang sa komunidad, na kasama ang lahat sa pagse- segregate ng mga basura, na kung saan ang lahat ng maiipong basura ay bibigyan ng katumbas na environmental points o EP na may equivalent na cash na pwedeng ipambili sa mga selected stores or groceries o ipambayad sa kuryente o bayad sa nakunsumong tubig.

Nilinaw at ipinakita sa visuals ni Cong Gila ang mga pwedeng ipuning basura tulad ng mga papel, karton, plastic bottles, lata at iba pa sa loob ng 4 na linggo o isang buwan na kung saan ito ay imo- monitor ng mga itinalagang eco-warriors kung tama ang pagse-segregate at kung gaano na karaming eco-waste ang mga naiipon ng mga magulang at estudyante sa bawat tahanan. Ang mga eco-warriors din ang mag i- screen ng lahat ng mga eco- waste na dadalhin ng mga estudyante sa itinakdang date sa kani- kanilang paaralan.At bilang insentibo sa kanilang pagbo- volunteer gayundin malasakit sa proyekto, ang na-rehistrong mga eco-warriors ay pagkakalooban ng cash incentives bilang pasasalamat sa kanilang partisipasyon.

The post Mga magulang at guro. itinalagang eco-warriors appeared first on 1Bataan.

Previous Sen. Gatchalian donates rice to typhoon-stricken Bataeños


The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.