Ito ang naging obserbasyon ni Mayor Aida Macalinao nang personal niyang bisitahin ang mga mag-aaral sa Samal North Elementary School kahapon, kasama sina konsehal Ronnie Ortiguerra, konsehala Amy dela Rosa at Samal Municipal Health Officer, Dr. Cristina Espino.
Maaliwalas ang ngiti ng mga magulang, dahil nabawasan na umano ang dagdag na pasanin nila sa pagtuturo sa mga anak noong ang mga ito ay nasa online classes pa.
Ayon naman kay Aling Marita, natutuwa umano siya na may face to face classes na, dahil alam umano niyang higit na matututo ang kanyang anak na kaharap na ang gurong nagtuturo gayundin magkakaroon na ito ng interaksyon sa kanyang mga kaklase.
Sinabi naman ni Mayor Aida Macalinao na bukod sa talagang nais niyang makita at matiyak na maayos ang kalagayan ng mga mag-aaral ay natutuwa umano siyang pagmasdan ang mga bata na pumapasok dala ang kanilang mga bag at iba pang gamit sa paaralan.
Bukod sa talagang tiningnan umano nila ang mga kakailanganin ng mga guro at bata laban sa covid-19, muling pinaalalahan ni Dr. Cristina Espino ang mga guro at mag aaral na huwag pakampante at ugaliin pa rin ang pagsunod sa mga health protocols dahil nandyan pa rin umano ang virus sa kapaligiran.
The post Mga magulang masaya sa pagsisimula ng face-to-face classes appeared first on 1Bataan.