Mga maiingay na mufflers sa Hermosa, minaso ni Mayor Jopet

Philippine Standard Time:

Mga maiingay na mufflers sa Hermosa, minaso ni Mayor Jopet

Pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton nitong Lunes ang pagwasak sa 90 pirasong mufflers sa town plaza ng Hermosa, Bataan.

Kasama ni Mayor Inton ang mga pulis ng Hermosa PNP at Hermosa Marshalls ay ipinakita nito bilang mensahe sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagwasak gamit ang maso sa mga tambutso o modified mufflers ng mga motorsiklo na nakumpiska ng pulisya, na sa bayan ng Hermosa ay bawal na bawal ang maiingay na mufflers.

Ani Mayor Jopet, mahigpit na ipinagbabawal ang maiingay na tambutso ng motorsiklo alinsunod sa Section J, Chapter 4 ng Republic Act 4136 (An Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules) at ito’y hindi nila palalampasin sa Hermosa.

Hinikayat din ng alkalde ang kanyang mga kababayan na i-report agad kapag may mga nasaksihang ganitong paglabag sa kani-kanilang barangay.

“May karampatang parusa ang sino mang lalabag. I-report kaagad sa numerong ito 09487676327 ang sino mang lalabag dito,” sabi pa ni Mayor Inton.

Samantala, sa Facebook post tungkol dito ni Mayor Inton ay may mga netizens ang nagpahayag ng pasasalamat at marami ang natuwa sa ginawang aksiyon ng kanilang mayor sapagka’t sadya umanong nakakabulahaw anila ang matinding ingay na dulot ng mga tambutso lalo na sa gabi.

The post Mga maiingay na mufflers sa Hermosa, minaso ni Mayor Jopet appeared first on 1Bataan.

Previous Brgy. San Carlos, safety seal certified muli

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.