Buong pagmamalaking ibinalita ni Gov Abet Garcia sa kanyang mensahe sa katatapos na pamamahagi ng RCEF-RFFA and Fuel Discount Card na programa ng Department of Agriculture sa bayan ng Dinalupihan, na panahon na umano para yakapin ng ating mga mangingisda ang mga bagong teknolohiya para maging lalong masagana ang kanilang mga huli.
Ayon pa kay Gob. Abet, may proyektong pabahay para sa ating mga mangingisdang nasunugan sa bayan ng Orion, sa pakikipagtulungan ng NHA, na itinayo malapit sa dagat, pero ligtas sa pagtaas ng tubig dahil mataas ang lugar. Ito rin umano ay lalagyan ng paradahan ng mga bangka, para na rin maging ligtas sa pagkasira sakali’t mayroong bagyo.
Pinag-aaralan din umano na mula sa pagigiging marginalized fishermen ay gawin silang kooperatiba, sa gayon ay makakakuha sila ng pondo, kasanayan sa pagpapanatili kung mayroon na silang malalaking fishing vessel.
Ang nasabing fishing village sa bayan ng Orion, ayon pa kay Gob. Abet Garcia, ang magiging proof-of-concept para gawin sa buong lalawigan dahil tayo umano ay napapaligiran ng mga karagatan.
Sinabi pa ni Gob. Abet, na layunin nito na palakihin ang kita ng ating mga mangingisda dahil kung malaki na ang kanilang mga kita ay matutustusan na nila ang iba pa nilang mga pangangailangan at higit sa lahat, magkakaroon ng kaseguruhan at abot-kayang pagkain ang mga mamamayan sa buong Bataan.
The post Mga mangingisda, magiging kaanib ng kooperatiba appeared first on 1Bataan.