Mga pabahay gagawing “low risks, high opportunities”

Philippine Standard Time:

Mga pabahay gagawing “low risks, high opportunities”

Mapalad ang lalawigan ng Bataan ayon kay Cong. Abet Garcia ng pangalawang distrito, dahil doble umano ang swerte natin, hindi lamang nanalo ang ating Pangulong BBM kundi itinalaga pang Kalihim ng Kagawaran ng Pabahay ang ating kababayan na si Jerry Acuzar.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Cong Abet na ipinakita sa video presentation ni Arch. Henry Mayuga kung gaano kahanda ang lalawigan sa housing project.

Una, ayon sa magiting na Kinatawan, na mahal ang halaga ng lupa sa Bataan pero nakapaglaan na tayo ng lupa para sa mga housing project, dito na lamang umano sa lugar kung saan ginaganap sa ngayon ang groundbreaking sa Mariveles ay 26 na ektarya ang inilaan ng ating pamahalaang lokal at panlalawigan para sa nasabing housing at township project.

Pangalawa, mahalaga ang strategy na ginagawa natin ayon pa kay Cong Abet na, kung nasaan ang ating mga kababayan na informal dwellers na high risks, ibig sabihin nasa panganib, tulad ng malapit sa ilog, dagat at highway, from where they are now, high risks low opportunities, ay ililipat natin sila sa low risks high opportunities.

Ibig sabihin, malayo sa panganib ang housing at lalagyan ng mga basic na pangangailangan tulad ng health center, school, talipapa at iba pa. Mahalaga rin ayon pa kay Cong Abet na mapababa ang cost of everyday living, lalagyan ng solar panel ang mga bubong, aayusin ang water system, palalagyan ng internet at bibigyan ng mga laptop at tablet ang mga estudyante. Lalo’t higit na mahalaga dagdag pa ni Cong Abet, ang Estate Management, kung saan pagtutulung-tulungan hindi lamang ng mga shelter agencies at DHSUD.

Nagtayo na tayo ng DHSUD-Bataan sa pamumuno ni G. Cris Leonzon para siguraduhin na tatagal at sustainable ang mga housing projects.

Panghuli, ayon pa kay Cong Abet, ang convergence of resources kung saan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay magbibigay ng mga programa para lalo pang guminhawa ang buhay ng ating mga kababayan, may trabaho na may tahanan pa, makapag-aaral pa ang mga kabataan tungo sa magandang bukas.

The post Mga pabahay gagawing “low risks, high opportunities” appeared first on 1Bataan.

Previous Lumang munisipyo ng Abucay pagagandahin

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.