Mga punong barangay ng Mariveles, nagpakalbo

Philippine Standard Time:

Mga punong barangay ng Mariveles, nagpakalbo

Sa pangunguna ni ABC President. Al Balan, kasama ang pito (7) pang punong barangay ng Mariveles ay sabay- sabay silang nagpakalbo kaugnay sa kanilang programang, “Buhok na Alay, Tulong Sugpuin ang Oil Spill sa Manila Bay”, upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at suporta kay Gov. Joet Garcia sa kanyang panawagan na masugpo ang pagkalat ng Oil Spill sa Manila bay at mga karatig lalawigan.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Punong Barangay Al Balan na naglunsad sila ng kampanya para sugpuin ang pagkalat pa ng oil spill hindi lamang sa lalawigan kundi sa iba pang lugar na masyado ng nakaaapekto sa ating mga kababayang mga mangingisda, mga nagtitinda ng isda, mga tricycle driver at maging mga mamamayan na ang kayang bilhin sana ay isda dahil medyo mura kaysa sa karne.

 

Upang ipakita ang kanilang paninindigan na makatulong ay nagkaisa sila na magpakalbo, na anila’y munting tulong na pagdo-donate ng buhok subali’t malaking tulong kapag pinagsama sama sa pagsugpo ng oil spill. Bukod pa rito ayon kay PB Balan, silang lahat ng mga punong barangay ng Mariveles ay kinokolekta araw-araw ang mga buhok sa mga barber shops at beauty parlors, mga balahibo ng manok, mga bunot ng niyog at mga 1 liter empty plastic bottle na may takip. Ayon pa kay PB Balan, nasa upland ang kanyang kung saan maraming niyog kung kaya’t halos 7 truck na ng coconut husk ang kanilang naipahakot sa kanilang Municipal Environment Office para gawing oil boom.

Samantala sinabi ni PB Abel Lopez ng Baseco, na bukod sa pakikiisa sa napagkasunduan ng liga ay gumawa rin siya ng sariling diskarte, dahil marunong siyang magbarbero, tumawag pa siya ng ibang marunong gumupit ng buhok at nagdaos sila ng libreng gupit sa lahat lalo na sa mga estudyante kung saan ay 140 ang kanilang nagupitan at nakalikom ng isang malaking plastic bag ng mga buhok.

The post Mga punong barangay ng Mariveles, nagpakalbo appeared first on 1Bataan.

Previous Bisita Bayan brings services closer to Samalenos

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.