Halos lahat ng sektor ng mamamayan sa bayan ng Limay ay tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaang bayan at pamahalaang panlalawigan kasunod ng naganap na oil spill.
Ayon kay Vice Mayor Richie Jayson David na ang mga mangingisda, fish vendors, tricycle drivers at ibang tindero sa palengke ay nabahaginan ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development.
Nauna rito, sinabi ni Gov. Joet Garcia na may 14,000 mangingisda sa Limay, Mariveles, at Bagac ang naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na barkong Terra Nova noong Hulyo 5, sa kalagitnaan ng bagyong Carina. Ang barko na may lulang 1.4 milyung litro ng langis ay patungong Iloilo. Pabalik na ito sa Limay nang lumubog sa may layong humigit-kumulang sa pitong kilometro sa baybayin ng Limay. Sinabi ni Vice Mayor David na dahil sa oil spill bumaba ang halaga ng mga isda sa Limay. “Ibenebenta na lang nila nang mura ang mga isda kesa naman masayang lang. Pinapayagan lamang ng Coast Guard ang mga mangingisda sa layong 4 na kilometro mula sa baybayin ng Limay.The post Mga sektor sa Limay, tumanggap ng ayuda appeared first on 1Bataan.