Mga tropa ng Amerikano bibisita sa Pilipinas

Philippine Standard Time:

Mga tropa ng Amerikano bibisita sa Pilipinas

Pinangunahan nina Pangulong Bongbong Marcos, Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko at US Embassy Charge d Affaires Ad Interim Heather Variava ang pag aalay ng bulaklak sa bantayog ng mga beterano sa Mt. Samat National Shrine sa bayan ng Pilar nitong Lunes.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni US Embassy Charge d Affaires Heather Variava ang pagkilala ng lubos sa kagitingan ng mga beterano kung kaya’t naggawad sila ng US Congressional Medal, pinakamataas na Medalyang Parangal na ibinibigay sa serbisyo at kagitingan ng mga nabubuhay pang beterano.

Ibinalita rin ni Heather Variava na inaasahang 12,000 tropa ng Amerikano ang bibisita sa Pilipinas ngayong buwan para lumahok sa pinakamalaking Balikatan Exercises na magaganap sa Pilipinas, na akma sa tema ng pagdiriwang ng ika-81 taon ng Araw ng Kagitingan na, ” Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino”.

The post Mga tropa ng Amerikano bibisita sa Pilipinas appeared first on 1Bataan.

Previous DA pushes for P180.3M fish landing project

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.