Kasabay ng kick-off ceremony ng 27th Police Community Relations (PCR) Month Celebration ay binuksan ang “Talipapa para sa mga Kapatid na Aeta, Tulong Kabuhayan sa Panahon ng Pandemya” sa loob ng Camp PFC Cirilo S Tolentino, Balanga City, Bataan, nitong Lunes.
Gamit ang temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”, pinangunahan ni Bataan Police Provincial Office (BPPO) Acting Provincial Director, Police Col. Romell A. Velasco ang pasinaya.
Ayon kay Velasco, mabibili sa talipapa ang mga sariwang prutas at gulay at iba pang organic na paninda ng mga katutubong Aeta.
Inanyayahan ni PD Velasco ang mga bisita at kawani ng PPO na suportahan ang mga lokal sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga kalakal sa pamilihan upang matulungan silang kumita.
Aniya, ang proyektong ito ay isa lamang sa maraming paraan kung saan ang organisasyon ng pulisya ay nagsisilbi at nagpoprotekta sa mga kapwa Bataeño lalo na ang mga katutubo na kadalasan ay nabibiktima aniya ng pang-aabuso, pandaraya o pambabarat sa kanilang mga paninda habang ang iba naman ay nahihikayat ng ilang mga pwersang kalaban ng gobyerno.
Ginawa rin ang kaparehong proyekto sa iba pang mga police stations ng lalawigan katuwang ang mga local government unit.
The post Mini market place, binuksan sa Camp Tolentino appeared first on 1Bataan.