MOA nilagdaan sa 1Bataan Village Balanga City

Philippine Standard Time:

MOA nilagdaan sa 1Bataan Village Balanga City

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pamahalaang Panlungsod ng Balanga sa katatapos na pamamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga katibayan ng pagmamay-ari sa 216 na benepisyaryo ng mga pabahay.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni DHSUD Sec. Acuzar na ang nasabing 1Bataan Village ay tugmang-tugma sa hangarin ni Pangulong Marcos na mabigyan ang mga benipisaryo ng disenteng tahanan na matatawag nilang pag aari nila.

Sinabi din ni Sec. Acuzar na tunay na maipagmamalaki ng mga benebisyaryo ang mga bahay na ito, na dating nasa danger zone o nasa tabing ilog o dagat, dahil ito ay simula na ng magandang buhay. “Sa kabila ng marami pang hamon na kakaharapin sa pagsusulong ng proyektong ito, naniniwala tayo, na sa sipag ng mga opisyal ng mga yunit pamahalaang lokal, hindi lamang ng Lungsod ng Balanga, kundi ng buong lalawigan ng Bataan na may suporta ni Pangulong BBM ay magtatagumpay tayong lahat”. Dagdag pa niya na kapag sama-sama at tulong-tulong ang lahat ay walang imposible patungo sa Bagong Pilipinas sa isang maunlad na bayan at pamayanan.

The post MOA nilagdaan sa 1Bataan Village Balanga City appeared first on 1Bataan.

Previous PBBM leads turnover of 216 housing units to Balangueño families

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.