Mahilig ka bang maglaro ng Mobile Legends? Kung ganon dapat kang matuwa dahil hindi lamang may related courses na ito sa E-sport kundi isa na itong thriving multi million peso industry.
Nasabi ito ni Board Member Atty Tony Roman, matapos ganapin nitong nakaraang linggo, ang kauna-unahang “Roman Reigns Bataan Legend” sa Vista Mall. Ang nasabing E-sport ay dinaluhan ng may 32 grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at maging mga kabataan mula sa Maynila. Binanggit din ni Bokal Roman ang presensya ng ilang kilalang professional gamers tulad nina Atty Isko na may dala pang apat na team, si Ms. Patty na isang business woman, isang propesor mula sa Lyceum of the Philippines. Maramin na rin umanong unibersidad sa Maynila ang nag-aalok ng E-sport, kung kaya’t nasabi ni Roman na ang E-sport kung nasan kabilang ang Mobile Legend ay isa nang evolving industry, na pwedeng magbigay ng tinatawag na backroom jobs sa lahat ng mahilig maglaro nito.
Natutuwa si Bokal Tonyboy na ang BPSU ay may related courses sa E-sport, kung kaya’t nagpapasalamat siya kay Pres. Ruby Santos- Matibag na nag align ang kanilang pananaw na magkaroon ng ML tournament dito para lumabas ang galing ng mga kabataang Bataeños.
Sa tournament na matira ang matibay hanggang umabot ang mga gamers sa finals, may apat na mananalo ng pspremyo: 1st Prize na 20k, 2nd place na 15k, 3rd place- 10k at 4th place na 5k.
Sa huli ay nagbigay si Bokal Roman ng mensahe sa mga kabataan at mga magulang, na kinakailangan pa rin umanong makatapos ang mga kabataan ng pag aaral, na magkaroon sila ng propesyon para at the end of the day, ay may iba pa silang trabaho.Dagdag pa ni Bokal Roman na gawing reward sa mga bata ang paglalaro ng ML kung sila’y tapos na sa kanilang homework, at maganda ang grades sa school.
The post Mobile Legends E- sport, isang multi million peso industry na! appeared first on 1Bataan.