Masusing pagsubaybay ang ginagawa ni Cong Abet Garcia ng Ikalawang Distrito ng Bataan upang maisulong ang Bataan Transportation Modernization.
Sa ginanap na House Committee on Appropriation Budget hearing ng Dept of Transportation nitong Aug.28, 2024, sinabi ni Cong Abet na tiniyak niyang makadadalo siya sa nasabing pagdinig para malinawan ang mga sagot sa kanyang mga katanungan hinggil sa isinusulong na modernisasyon ng transportasyon sa lalawigan gayundin sa iba pang proyekto na may kinalaman dito.
Dito ay binigyan-diin ni Cong. Abet ang kahalagahan ng pagsusulong ng Bataan Transportation Modernization Masterplan, bilang paghahanda sa nalalapit na konstruksyon at pagbubukas ng Bataan- Cavite Interlink bridge. Ayon pa kay Cong Abet magbibigay ng malaking ginhawa at solusyon ito sa problema sa trapiko sa Metro Manila.
Dahil nandoon na rin lang ang mga opisyal na kailangan niyang tanungin ay minabuti ni Cong. Abet na itanong sa DOTr ang alokasyon sa Transportation Network Vehicle Service ng Lungsod ng Balanga, ang feasibility study ng Bataan Railways at ang konstruksyon ng bike lane sa buong lalawigan, mga proyektong makatutulong sa ibayong pag unlad ng lalawigan.
The post Modernisasyon ng transportasyon sa lalawigan tinututukan ni Cong Abet Garcia appeared first on 1Bataan.