Ayon sa DPWH, malapit nang matapos ang konstruksyon ng slope protection sa kahabaan ng Pagasa-Tala Road patungo sa Mt. Natib sa Orani, Bataan. Ito ay proyekto ng Department of Public Works and Highways Bataan 1st District Engineering Office.
Sinabi din ni DPWH District Engineer Erlindo Flores Jr., ang P96.4-milyong imprastraktura ay 70 porsiyentong tapos na noon pang Setyembre 15 ng kasalukuyang taon. “Kapag natapos, ang mga residente at turista na dumadaan sa bulubunduking bahagi ng kalsada at patungo sa mga lugar ng turismo ng bayan tulad ng Bataan National Park, ay mapoprotektahan mula sa posibleng pagguho ng lupa na maaaring dulot ng malakas na pag-ulan.”
Ang proyekto ay nangangailangan ng pagtatayo ng 3,265.59 square meters na rockfall netting kabilang ang hydroseeding sa kahabaan ng landslide-prone na bahagi ng kalsada. Upang makontrol ang pagguho ng lupa, ang lambat ay naka-angkla sa Geotextile at Type I Erosion Control Mat.
The post Mt. Natib slope protection, patapos na appeared first on 1Bataan.