“Mula sa sariling bulsa”

Philippine Standard Time:

“Mula sa sariling bulsa”

Masayang ibinalita ni Mayor Jopet Inton na ang limang (5) bagong dump trucks na ipinamahagi sa unang limang barangay sa bayan ng Hermosa ay libre dahil ang pondo umano nito ay galing sa “sarili nilang bulsa” ng kaibigang negosyante na si G. jon Arizapa.

Kasama umano niya ang kaibigang si G. Arizapa sa pagtulong sa bayan ng Hermosa na walang hinihinging kapalit at hindi umano ito ang una, dahil pag upo pa lang niya sa pwesto ay ginagawa na nila ito lalo na noong panahon ng pandemya at maging sa simbahan ay nagpapa abot din sila ng tulong.

Sinabi pa ni Mayor Inton na sampu ang trucks na ipamamahagi, subalit dahil lima pa lamang ang dumating, ini- raffle nila sa unang limang barangay ng Balsic, Saba, Maite, Bacong at Sacrifice Valley na binasbasan ni Fr. Tony Quintos ng St. Peter Verona Parish.

Kasunod nito ay dagdag na limang trucks pa na ira- raffle muli sa limang barangay.

Mahigpit na habilin ni Mayor Inton sa mga Punong Barangay na alagaang mabuti at sinupin ang mga trucks para magtagal pa umano ang serbisyo nito sa barangay.

Sinabi naman ng mga Punong Barangay na malaking tulong ang mga truck na ito sa paghakot nila ng basura gayundin ng mga panambak na lupa at bato bukod pa sa pwedeng magamit sa panahon ng kalamidad.

The post “Mula sa sariling bulsa” appeared first on 1Bataan.

Previous Motorized banca for Pulo Integrated School

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by: