Sa kanyang mensahe sa groundbreaking ng Pilar Modern Palengke, sinabi ni Mayor Charlie Pizarro na dahil sa pandemya, naging mahirap ang sitwasyon ng kanyang mga kababayan sa dahilang wala silang palengke at nahihirapan ang mga ito na makapasok sa palengke ng Orion at Balanga ng mga panahong kinakailangan pa na makiusap sila para mabigyan sila ng araw sa pamamalengke.
Kung kaya’t sa tulong nina Gob. Abet Garcia na naglaan ng pondong P60M at Cong Joet na naglaan ng P30M para sa kanilang palengke, sinabi ni Mayor Charlie na talagang pagagandahin nila ito at gagawing isang isang kaaya-aya, malinis, maluwag at modernong palengke kung saan ang mga pagkaing mabibili ay sa murang halaga lamang, at upang makaakit na rin ng mga turista.
Samantala, sinabi naman ni Gob. Abet na ang nasabing palengke ay pwedeng gawing bagsakan ng lahat ng klase ng pagkain tulad ng gulay, baboy, manok, isda nang sa gayon ay maging mas mura ang halaga ng pagkain.
Dagdag pa ni Gob. Abet, plano rin umano nila ni Mayor Charlie, na magkaroon dito ng fishermen’s wharf, kung saan ang malalaking bangka na kung tawagin ay basnig ay doon na magbababa ng mga huli nilang isda, na mula sa consignacion ay diretso na sa mga tindera, kung kaya’t hindi lamang sariwa kundi mura pa ang mabibiling mga isda.
The post Murang pagkain, target ng Pilar Modern Palengke appeared first on 1Bataan.