Matatag at patuloy sa paglago ang negosyo sa Lungsod ng Balanga, ayon kay City Treasurer Joselito Evangelista.
Sinabi ni Evangelista na hindi malayong makamit ng Balanga ang tinatayang kita na P1.5 bilyon ngayong 2021. Noong nakaraang taon ang Balanga ay kumita ng P1.4 bilyon.
“Hindi naman gaanong naapektuhan ng pandemya ang mga negosyo sa Balanga. Natural mayroon nagsara, pero mayroon din namang bagong negosyo na nagbukas,” paliwanag ni Evangelista.
Ang malaking kita umano ng Balanga ay nagmumula sa mga business permit at real property taxes.
The post Negosyo sa Balanga matatag pa rin appeared first on 1Bataan.