Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Romell Velasco sumasailalim sa neuro exam ang lahat ng kapulisan sa lalawigan. Sa eksaminasyong ito nakikita kung may problema ba o wala ang central nervous system ng isang tao lalo pa’t ito’y isang pulis.
Sinabi pa ni P/Col Velasco na importanteng pangalagaan ang mental health ng mga pulis, dahil sa dami ng trabaho at problemang kanilang kinakaharap ay baka may matindi na silang pinagdaraanan kung kaya’t nakakabalita tayo na may pulis namaril o nag amok.
Ang mga ganitong sitwasyon, umano ang nagtulak sa matataas na opisyal sa PNP upang isulong na sumailalim sa neurological examination ang bawat pulis sa buong kapuluan taun-taon. Ang nasabing procedure ay isang medical assessment sa sensory neurons and motor responses especially reflexes to determine whether the nervous system is impaired or not.
At upang matulungan pa ang mga miyembro ng kapulisan na maibsan kung mayroon man silang problema na walang mapagsabihan, ay mayroon silang Regional Pastoral Office na may hotline na handang tumugon, makinig, umunawa kung anuman ang kanilang problema at bigyan sila ng mga payo.
Isa pa sa epektibong programa ngayon ng kapulisan ayon pa kay Velasco ay ang Squad Interactive na binubuo ng 8 PNP personnel kada squad, kung saan minsan sa isang linggo ay mayroon silang Bible study at ang squad leader ang responsable sa kanyang mga miyembro.
ayroon din silang sports activities, biking, exercises at iba pa. Ang layon ng lahat nang ito ay upang mabalanse ang mga ginagawa ng isang pulis sa kanyang trabaho, pamilya at kapaligiran at kung papaano ito nakakaapekto sa kanyang mental health.
The post Neuro exam para sa kapulisan appeared first on 1Bataan.