Idineklara ngayon ni Abucay Mayor Liberato P. Santiago Jr. ang Hunyo 10, 2022 bilang isang non-working holiday kaugnay ng pagdiriwang ng Abucay Founding Anniversary sa nabanggit na petsa.
Ang simpleng komemorasyon ay gaganapin sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang Banal na Misa sa St. Dominic De Guzman Parish Church ganap na alas 5 ng hapon. Ito ang nakasaad sa Executive Order no. 18 Series of 2022 na ipinalabas ngayong Martes, Hunyo 7, 2022.
Ang Abucay ang unang bayan na itinatag ng mga Dominiko noong Hunyo 10, 1588.
Una itong kinilala bilang pueblo o bayan ng Pampanga. Noong 1754, nang tuluyang maging regular na lalawigan ang Bataan, naging bahagi nito ang Abucay. Sa loob ng ilang taon, ang bayan ay tinawag na Santo Domingo.
Noong 1646, tinawag ito sa orihinal nitong pangalan, Abukay. Ito ang naging paunang sentro ng misyon ng Dominikano sa Bataan na sumasakop sa lugar mula Orani hanggang Orion, na noon ay kilala bilang Partido de Batan.
The post Non-working holiday sa Abucay appeared first on 1Bataan.