Umabot sa 67 kabataan na may edad 7 hanggang 16 ang nagpatuli kamakailan sa ilalim ng programang “Operation Tuli” sa Barangay Alion, Mariveles.
Sinabi ni Alion Punong Barangay Al Balan na ang programa sa pagtutuli sa mga kabataan ay matagumpay na naisagawa sa pakikipagtulungan ng Barangay Council at Municipal Health office ng Mariveles.
Ayon pa kay Balan, gaya nang nakagawian ang pagtutuli sa mga kabataan ay isinasagawa tuwing panahon ng Abril o Mayo at bakasyon o summer time, kung saan ang mga kabataan ay libre sa kanilang mga gawain sa paaralan.
Subalit, dahil sa pandemya bahagyang nabago ang iskedyul subalit tama lang naman para sa mga kabataang walang ginagawa sa bahay.
Ang pagtutuli, ayon sa ating tradisyon, ay isang hudyat nang palapit na sa pagbibinata ng mga kalalakihan.
Ito rin ay ginagawa bilang bahagi ng kalinisan ng mga kalalakihan.
Pinasalamatan naman ni PB Balan ang mga nurse, doktor at staff ng Mariveles Municipal Health Office sa kanilang pakikipagtulungan sa naturang programa.
The post Operation Tuli sa Barangay Alion appeared first on 1Bataan.