Balak ni Abucay Mayor Robin Tagle na pa- amyendahan sa Sangguniang Bayan ang ordenansang pambayan na naglalayong mapangalagaan ang kapakanan ng mga magtatahong sa Abucay.
Matatandaan na binisita ng alkalde kamakailan ang tahungan sa Abucay kasama ang mga miyembro ng “Bantay Dagat” at Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) at lokal na pulisya upang alamin ang kalagayan ng tahungan ng naturang bayan. “Kasi hindi namin maintindihan ang sinasabi ng mga magtatahong hangga’t di namin nakikita ang tahong culture site,” paliwanag ni Tagle.
Napag-alaman ng grupo na bumisita sa tahungan na talamak pala ang nakawan ng tahong sa lugar. Naisip ni Mayor Tagle na magkaroon ng ordenansa tungkol tahungan upang maiwasan din ang iringan sa pagitan ng traditional fishermen at magtatahong ng Abucay.
Ang 600-hektarya ng tahungan sa Abucay ang itinuturing na pinakamalaki sa buong Bataan dahil ito ay may pinakamalaking shoreline. Nagiging problema umano ng mga magtatahong ang nakawan bukod pa sa dinarayo ito ng mga taga-ibang bayan at probinsya. “Kailangan na naming baguhin ang ordenansa sa pagtatahong at pangisdaan sa Abucay,” paliwanag pa ni Mayor Tagle.
The post Ordenansa sa pangangalaga ng tahungan, aamyendahan appeared first on 1Bataan.