Upang higit pang maisaayos ang sistema sa pagdaraos ng anumang sports event sa bayan ng Pilar, minabuti ng Sangguniang Bayan na ipaloob ito sa isang ordenansa nang sa gayon ay maging malinaw at naaayon sa batas ang mga regulasyon kaugnay dito.
Municipal Ordinance No. 8, ” An Ordinance Regulating the Holdings of Sports League within the Jurisdiction of the Municipality of Pilar”, ayon kay Vice Mayor Ces Garcia ay naglalayong ipaalam sa lahat ang tamang proseso sa mga nais maglunsad ng anumang sports event. Una, kinakailangang ipaalam muna ito sa SK Chairperson kung saan ito gaganapin. Pangalawa, ang kinauukulang SK Chairperson ang gagawa ng komunikasyon para ipaalam ito sa SB Working Committee on Youth and Sports para i-review kung sinusunod ng organizer ang mga probisyon na isinasaad ng nasabing ordenansa bago ito aprobahan ng Local Chief Executive.
Sinabi pa ni Vice Mayor Ces Garcia na ibababa ang nasabing ordenansa sa bawat barangay upang maipaalam sa lahat. Sa pamamagitan nito, mapagtitibay ang kahalagahan ng sports gayundin para sa maayos na pagbibigay-daan sa malawak na oportunidad sa mga kabataan na may kakayahan sa sports.
The post Ordenasa sa pagdaraos ng mga sports events appeared first on 1Bataan.