Pinangunahan ni Vice Gov. Cris Garcia via Zoom ang oryentasyon para sa bagong batch ng Iskolar ng Bataan (INB) program para sa academic year 2021 – 2022 nitong nakaraang Huwebes at Biyernes.
Ilan sa mahahalagang tagubilin ni Vice Cris sa mga mag-aaral ay, mapanatili ang kanilang general average na hindi bababa sa 2.50 para hindi matanggal sa nasabing programa.
Hinikayat din niya na magsikap at pagbutihin ang kanilang pag-aaral para mapabilang sa top 30, maging top 1 sa kanilang munisipalidad at makamit ang overall TOP 1 sa buong lalawigan dahil ito ay may dagdag na cash incentives para sa kanila.
Ipinaliwanag din ang cashlesss transaction gamit ang ATM card at credit advice.
Siniguro din ni Vice Governor Cris ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa mahigit apat na libong mag-aaral kasama ang bagong batch na makamit ang kanilang pangarap.
The post Oryentasyon para sa bagong batch ng Iskolar ng Bataan, ginanap appeared first on 1Bataan.