P150M inilaan ng NLEX Corp. para maibsan ang pagbaha sa Dinalupihan stretch ng SCTEx

Philippine Standard Time:

P150M inilaan ng NLEX Corp. para maibsan ang pagbaha sa Dinalupihan stretch ng SCTEx

Naglaan ang NLEX Corporation ng P150 milyon para sa elevation o pagtataas sa 640-meter stretch ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa bahagi ng Dinalupihan, Bataan para maibsan na ang pagbaha rito lalo na sa panahon ng tag-ulan.

“We are always on the lookout for solutions that can help improve the reliability and safety of our roads and other structures. By elevating this portion of SCTEx, motorists can expect to traverse a safer and more accessible route, especially during inclement weather conditions,” pahayag ni J. Luigi Bautista, President at GM ng NLEX Corp.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa 3rd quarter ng taong 2022. Nitong nagdaang Martes ay nakipagpulong sina Hermosa Mayor Antonio Joseph “Jopet” Inton kasama si Mr. J. Luigi L. Bautista kay Dinalupihan Mayor Herman “Tong” Santos at pinag-usapan ang madaliang pagresolba sa pagbabaha ng underpass ng Pita-Dalao tunnel.

Nitong Martes din ay lumagda sa isang MOA ang LGU-Hermosa at NLEX Corp. para naman sa Hermosa Lighting Project para pailawan at madagdagan ang mga reflectorized at directional signages, PVC bollard sa median at metal strips para gawing gabay at mas maging maginhawa sa pagmamaneho sa gabi ng mga motorista at masiguro ang kanilang kaligtasan sa bahagi ng Dinalupihan-Hermosa Exit ng SCTEx.

The post P150M inilaan ng NLEX Corp. para maibsan ang pagbaha sa Dinalupihan stretch ng SCTEx appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan’s stand on BNPP remains

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.