P180.67M revenue shares, ipinamahagi ng SBMA

Philippine Standard Time:

P180.67M revenue shares, ipinamahagi ng SBMA

Walong kalapit na local government units (LGUs) ng Subic Bay Freeport Zone ang nakatanggap kamakailan ng bahagi ng mga kita mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na nagkakahalaga ng ₱180.67 milyon. Nagmula ito sa koleksyon ng kita ng ahensya mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Pinangunahan ni SBMA Chairman at Administrator Rolen C. Paulino ang pamamahagi ng tseke ng revenue shares sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa isang simpleng seremonya.

Pinakamalaki ang natanggap na bahagi ng Olongapo City sa pangunguna ni Mayor Lenj Paulino na nagkakahalaga ng ₱42.02- milyon habang sa Subic, Zambales ang municipal treasurer na si Rosemarie Custodio ang tumanggap ng ₱24.62-million; si Mayor Herman Santos ng Dinalupihan, Bataan LGU na ay nakatanggap ng ₱22.47-million.

Samantala, nakatanggap ang municipal treasurer ng San Marcelino, Zambales na si Eleanor Damasco ng ₱21.65-million; si Hermosa, Bataan Mayor Jopet Inton ay kinatawan ni Atty. Anne Inton na siyang tumanggap ng tseke para sa LGU na nagkakahalaga ng ₱19.3-milyon; Castillejos, Zambales Mayor na si Jeff Khonghun ay tumanggap ng ₱16.47-million; si Morong, Bataan assistant municipal treasurer Ma. Teresita Reyes ay tumanggap ng ₱15.95-million, at ang mayor ng San Antonio, Zambales na si Edzel Lonzanida ay tumanggap ng ₱5.37-million.

Ayon kay SBMA Deputy Administrator for Finance Antonietta Sanqui, ang LGU shares ay ayon sa populasyon (50 percent), land area (25 percent), at equal sharing (25 percent).

“Ang revenue shares na inilalabas ng SBMA kada semestre ay hango sa corporate tax, na dalawang porsyento ng limang-porsiyento na special tax na kinokolekta nito mula sa mga business locator sa Subic Bay Freeport Zone,” paliwanag niya.

Idinagdag ni Sanqui na ang SBMA ay direktang naglalabas ng revenue shares sa mga LGU mula pa noong Agosto 2010.

Bago ito, ang corporate taxes ay ipinapadala muna sa pambansang pamahalaan, at pagkatapos ay ipapamahagi ang shares sa mga kinauukulang LGUs.

The post P180.67M revenue shares, ipinamahagi ng SBMA appeared first on 1Bataan.

Previous 50 libong pisong papremyo sa Bakunahan sa Samal

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.