Sinigurado ni Cong Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist na tuloy na tuloy na ang pagsasaayos ng BPSU Bataan Youth Center sa 2026, dagdag pa niya na kailangan nang maisaayos ito dahil kadalasang ginagamit ito sa iba’t ibang aktibidad ng mga estudyante.
Sa kanyang pagbisita sa tanggapan ni Bataan Peninsula State University (BPSU) President Dr. Ruby Santos- Matibag nitong nakaraang Hulyo 16, sinabi niyang laging bukas ang kanyang opisina para sa mga programa ng mga mag-aaral pagdating sa mga imprastraktura na tutugon sa kanilang pangangailangan dahil naniniwala siya na ang Bataan Youth Center ay isang ligtas, bago at komportableng youth center para sa mga mag aaral.
Nakasama ni Cong. Jett sa talakayan sina VPAA Dr. Lara S. Velasco- dela Cruz, VPRET Prof. Monica B. Tanchiatco- Hipolito; VPSAS Prof Adrian C. Perdio, Abucay Campus Director, Prof. Walter Valdez.The post P20M Pondo para sa Bataan Youth Center ng BPSU appeared first on 1Bataan.