Sinimulan sa isang digital switch-on ang ceremonial launching ng 2023 Labor Day Job Fair kahapon sa People’s Center sa pangunguna nina Gov. Joet Garcia, Vice Gov Cris Garcia, BM Benjie Serrano, PESO-Bataan Eva Basalo, DOLE-Bataan Leilani Reynoso at Panauhing Pandangal, Asst. Regional Director Alejandro V. Inza Cruz ng DOLE Region 3.
Sa kanyang mensahe sinabi ni DOLE Asst Regional Director Alejandro Inza Cruz na ito ang kauna unahang face-to-face na programa sa Araw ng Paggawa na naglalayong mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga naghahanap ng trabaho, para mas mapaganda ang kalidad ng buhay ng bawat Bataeño, na hindi na lalabas ng lalawigan.
Ayon pa sa kanya, mahigit sa P2M piso na ang naipamahagi ng DOLE sa SPES sa mga estudyante samantalang ayon naman kay DOLE Bataan, Leilani Reynoso, mahigit sa P15M para naman sa Livelihood at TUPAD ang naipamahagi at ipamamahagi pa sa mga mamamayan sa buong lalawigan. Nagpaabot rin sina Vice Gov. Cris Garcia at Board Member Benjie Serrano ng pagpupugay at pasasalamat sa ating mga magagaling, mapagkakatiwalaan at malikhaing manggagawang Bataeño.
The post P2M SPES at P15M TUPAD mula sa DOLE appeared first on 1Bataan.