Nakatakdang ipamahagi ng Department of Agriculture ang P3 milyon payout para sa 49 na hog raisers na lubhang naapektuhan ng African swine fever.
Sinabi ni Dr. Alberto Venturina, Bataan provincial veterinarian, na ang mga magbababoy sa mga bayan ng Bagac at Morong ay nakatakdang mabigyan ng tulong-pinansyal dahil labis silang naapektuhan ng ASF noong nakaraang taon.
Ayon pa kay Dr. Venturina, inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento upang mabayaran na ang mga magbababoy ngayong buwan ng Disyembre.
Sa ngayon, sinabi pa ni Dr. Venturina na walang napapaulat na kaso ng ASF sa Bataan.
The post P3-M nakatakdang ipamahagi sa 49 na hog raisers appeared first on 1Bataan.