Nasa kabuuang halagang P3,160,000 ang ipamamahagi ng Department of Agriculture bukas (Miyerkules) sa mga bayan ng Bagac at Morong.
Sinabi ni Dr. Alberto Venturina, Bataan provincial veterinarian, na ang indemnification payout ay ipagkakaloob sa 16 na hog raisers sa Bagac at 33 sa Morong.
“Hindi pare-pareho, pero maximum P100,000 para sa 20 baboy na pinatay noong nakaraang taon dahil sa mapaminsalang African swine fever,” paliwanag ni Venturina.
Matatandaan na lubhang naapektuhan ng ASF ang mga magbababoy sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa hanggang kumalat ito sa iba pang bayan ng Bataan.
Sa ngayon ay wala nang naiuulat na kaso ng ASF sa buong lalawigan kasunod ng mga anti- ASF drive na isinagawa ng DA at pamahalaang panlalawigan.
The post P3M indemnification payout isasagawa bukas sa Bagac, Morong appeared first on 1Bataan.