Sa pagdalo ni Gov. Joet sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Maviveles noong Lunes, ipinahayag niya na magbibigay siya ng P3M para sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa bayan ng Mariveles.
Lubos itong ikinatuwa nang lahat dahil tiyak na malaking tulong ito sa mga mahihirap na mamamayan ng Mariveles.
Ang bayan ng Mariveles ang ikatlo sa mga bayan na pinagdausan ng programa ni Gov. Joet na Bisita Bayan kada Buwan, na naglalayong mabigyan ng suporta ang mga kasama sa mga yunit pamahalaang lokal at para sa mas epektibong koordinasyon at kolaborasyon sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lalawigan.
Sa kanyang mensahe binanggit niya na, sa kanyang pagtungo sa Mariveles ay dala niya ang internet subscription ni Mayor Francis Garcia ng Balanga City, sa Starlink.
Ito umano ay satellite internet na pwedeng i-set up kahit saang panig ng mundo basta’t mayroong line set, na may bilis na 200 mbps na malaking tulong sa disaster preparedness.
Ibinalita rin niya ang Sisterhood Agreement ng ating lalawigan sa La Union, na layunin umano nito na matulungan tayo sa turismo kung saan nangunguna ang La Union; samantalang tayo naman ay magbabahagi sa larangan ng Public-Private Partnership (PPP).
The post P3M para sa Mariveles appeared first on 1Bataan.