Ito ang sinabi sa panayam ng Morning Connections sa bagong talagang BIR Revenue Director RDO-20 ng lalawigan ng Bataan na si Atty Mercedes Estalila, sa deadline ng filing ng Annual Income Tax Return(AITR).
Ayon kay Atty. Estalila, nais niyang i-challenge ang lahat ng BIR RCO’s na malagpasan ang target na ito sa P6B. Malaki ang P6B, pero naniniwala siyang kakayanin ng BIR- Bataan hindi lamang dahil maraming industriya dito tulad ng mga ecozones, pero higit sa lahat,maganda ang record at performance ng Ahensya na lagi nilang naaabot at nalalagpasan ang kanilang target na koleksyon ng buwis.
Sinabi pa ni Atty. Estalila na, hindi natatapos ang kanilang trabaho sa koleksyon ng AITR kundi aaaralin pa nila kung papaano higit pang matutulungan ang tax-paying public sa pagbabayad ng buwis na hindi na umaabot pa sa deadline.
Magsasagawa umano sila ng mga seminar sa iba’ibang sektor tulad ng sa Freeport Area of Bataan, mga contractors, mga restaurant at beach owners at iba pa, para higit pa umano nilang malinawan ang binabayaran nilang mga buwis.
Magsasagawa din umano sila ng Mobile Tax Clinic para naman sa mga mamamayan at mga businessmen sa malalayong lugar ng lalawigan tulad ng Bagac at Morong.
The post P5B, target na koleksyon ng BIR first appeared on 1Bataan.
The post P5B, target na koleksyon ng BIR appeared first on 1Bataan.