Sa kanyang mensahe sa katatapos na unveiling ng Negosyo Center sa Lalawigan kahapon sinabi ni Vice Gov. Cris Garcia na, mahalaga umano ang pagkakaroon ng mahuhusay na produkto sa Bataan at equally important din umano na mayroon itong magagandang packaging, dahil unang nakakaakit sa mga mamimili ay ang ganda ng packaging nito.
Ayon pa kay Vice Cris, bukas na muli ang ating komersyo at marami nang pumapasok na mga turista sa ating lalawigan maging lokal o banyaga, tiyak umanong pagpunta ng mga ito sa isang lugar, ay kakain at bibili ng pasalubong at kapag nasiyahan sila sa ganda ng produkto at nasarapan ay muli silang mag o-order, na napakadali na sa ngayon dahil sa online gayundin sa payment.
Dagdag pa ni Vice Cris, nakatutuwa na naging daan pa ang pandemya sa ating mga SME’s na lalo pang naging creative at resourceful para mapahusay pa ang kanilang mga produkto.
Kung kaya’t sila umano sa Sangguniang Panlalawigan ay laging nakaagapay kay Gov. Abet Garcia ” to do whatever is needed” ngayong panahon at patuloy nilang gagampanan ang kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng mga makabuluhang resolution para mapaganda pa ang buhay ng ating mga kababayan.
The post Packaging ng mga produkto, mahalaga appeared first on 1Bataan.