Pag-amyenda sa Balanga Wetland Park, pasado

Philippine Standard Time:

Pag-amyenda sa Balanga Wetland Park, pasado

Sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi ni Cong Jett Nisay na nakita, na ang foreshore land area at coordinates ng Balanga Wetland Park, ay kaiba sa nakasaad sa batas kung kaya’t minarapat nila ni Cong. Abet Garcia na magsumite ng panukala upang amyendahan ang technical descriptions ng Rep. Act 11365 o Balanga Wetland and Nature Park bilang community-based eco-tourism zone, na pumasa na sa House Committee on Tourism.

Siniguro ni Cong. Nisay na sa pamamagitan ng nasabing pag-amyenda ay lalong maisasaayos ang implementasyon ng nasabing batas para sa lalo pang kapakinabangan ng mga pamilyang Bataeño.

Matatandaan na ang Rep. Act 11365 ay isinulong noong 17th Congress ng noo’y Congressman at ngayo’y Gov. Joet Garcia upang ma-develop ang Balanga Wetland and Nature Park hindi lamang bilang tourism site at haven ng libo- libong mga migratory birds kundi pati na rin bilang sustainable tourism park na makikinabang ang kalikasan at lokal na pamayanan.

The post Pag-amyenda sa Balanga Wetland Park, pasado appeared first on 1Bataan.

Previous Cong. Nisay, patuloy sa pagtataguyod ng TFG

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.