Pag-angat sa klasipikasyon ng AFAB, aprubado

Philippine Standard Time:

Pag-angat sa klasipikasyon ng AFAB, aprubado

Binigyan ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ng isang mas mataas na klasipikasyon sa Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) mula sa D hanggang C, na aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules ng nakaraang linggo, ika-24 ng Abril 2024.

Ayon sa Executive Order No. 24 series of 2011, ang pag-angat na ito ay nangangailangan na ang mga GOCC ay may mga ari-arian na nagkakahalaga ng higit sa o katumbas ng P5 bilyon at mas mababa sa P25 bilyon, at mga kita na higit o katumbas ng P500 milyon at mas mababa sa P2.5 bilyon.

Inaprobahan ng Pangulo ang pag-angat pagkatapos ng maingat at mahigpit na pagsusuri batay sa mga probisyon na nakasaad sa Seksyon 6 ng EO 24 s. 2011 na may pamagat na GOCC Classification.

Ang nasabing probisyon ang nagtatakda ng pinakamataas na pinapayagang kompensasyon ng mga miyembro ng Board of Directors sa mga GOCC. Ang pag-angat sa klasipikasyon ng AFAB ay makatutulong sa pagpapalakas pa ng pag-unlad ng Freeport Area of Bataan (FAB), magbubukas ng mga pintuan nito para sa mga locators mula sa iba’t ibang panig mundo, at magiging isang maayos na kapaligiran para sa industriya ng mga pambansang teknolohiya.

The post Pag-angat sa klasipikasyon ng AFAB, aprubado appeared first on 1Bataan.

Previous SSS Balanga joins simultaneous nationwide RACE conduct

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.