Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpasa ng House Resolution 1650 o panukala na hinihikayat ng Kongreso ang Department of Education na tuluyan nang ibalik sa June-March ang School Calendar ng mga Basic Educational Institutions.
Ayon kay Cong. Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist, ang panukala ay pinasimulan ni Cong. Roman Romulo matapos dumaan sa masusing talakayan na iisa ang layunin, para sa kabutihan ng educational sector partikular na ang mga guro at mag-aaral.
Sinabi pa ni Cong Jett Nisay na isa sa mahalagang kinonsidera sa panukala ng kanilang grupo na kinabibilangan nina Cong Romulo, Cong Mercado-Revilla, Cong Singson, Cong Brosas, Cong Amatong at iba pa, ay ang sunud-sunod na pagkansela ng mga klase dahil sa napakataas na damang init, na hindi mabuti sa kalusugan at pag aaral ng ating mga setudyante maging ng mga guro.
Ang mahalaga pa ayon kay Cong. Jett, bukod sa unanimous ang kanilang desisyon ay sinuportahan ito ni Pangulong Marcos at nagsabing hangad niya na maging maayos at organisado ang transisyon ng nasabing panukala sa lahat ng mga educational institutions.
The post Pagbabalik ng June-March school calendar appeared first on 1Bataan.