Pagbisita ng DAP sa Bataan

Philippine Standard Time:

Pagbisita ng DAP sa Bataan

Mainit na tinanggap kahapon ng umaga, ika-27 ng Marso ni Gov. Joet Garcia sa The Bunker ang delegasyon mula sa Development Academy of the Philippines (DAP) na pinamumunuan ni President and CEO Majah-Leah V. Ravago, PhD na isang tubong Samal, Bataan.

Tinalakay ni Gov. Joet sa mga panauhin ang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan pagsama-samahin sa ilalim ng iisang bubong, sa The Bunker, ang mga tanggapan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mas mapabilis ang pakikipagtransaksyon ng bawat Bataeño sa pamahalaan.

Kabilang din sa tinalakay ang ilan sa mga programang kalusugan ng Bataan gaya ng Tobacco Free Generation, Hataw Takbo Bataan, Healthy Paaralan para sa Malusog at Matatag na KaBATAAN, at PhilHealth Konsulta Primary Care Provider Network (PCPN) sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Law.

Kinuha rin ni Gov. Joet ang magandang pagkakataong ito upang talakayin ang ilan sa mga hakbang upang mapababa ang gastusin ng Pamahalaang Panlalawigan katulad ng paglalagay ng mga solar panel sa ilang pampublikong gusali, paggamit ng electric vehicles, at paglalagay ng mga solar charging stations sa ating Lalawigan.

Naglahad naman ng kanilang mga Innovation Projects ang ilan sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na nagtapos sa Local Government Executives and Managers Class (LGEMC) ng DAP.

– MABISAng HAKOT: Mariveles Artificial Intelligence Assisted Barangay Inspection and Monitoring System for Solid Waste Management Activities and the Household Awareness of the Kinetic Operations of Garbage Trucks ni Engr. Clay Gomez, OIC-GSO Mariveles LGU

– Local Early Childhood Care and Development (ECCD) Systems Strengthening (LESS) is MORE (Managed and Owned Responsibly by Everyone) ni Gng. Frances Fernando, MSWDO, Limay LGU

– 1BATAAN SANDBOX (Synergistically Accelerate & Nurture Diverse Business Opportunity Exploration): A Startup Ecosystem for the Province of Bataan ni G. Abul Khayr Alonto II, Bataan PPP and Investment Center

– 1Bataan Pawikan Conservation Alliance Network (1PawiCAN) ni G. Raphael De Leon, OIC – PG-ENRO na ginawaran ng Best Innovation Project Concept Awardee at Highest Performing Scholar Award.

The post Pagbisita ng DAP sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Makabagong terminal sa Pilar, binisita ni Cong Abet

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.